Jiro Manio, dadalhin ni AiAi delas Alas sa Japan para makita ang tunay na ama

Jiro Manio, dadalhin ni AiAi delas Alas sa Japan para makita ang tunay na ama



http://thirstdistrict.blogspot.com/


Ang pagiging isa ring ampon ang dahilan kung bakit nauunawaan ni AiAi delas Alas ang pinagdadaanan ni Jiro Manio na hangad na makita at makilala ang tunay na ama na nasa Japan.
Sa episode ng Startalk nitong Sabado, July 25, sinabing dinalaw ni AiAi si Jiro sa tinutuluyan nitong "wellness" center para personal na kumustahin matapos lumabas ang malisyosong Facebook post na pumanaw ang aktor.
 
"Si Jiro cute din minsan e, sabi niya, 'uwi na ko?'," kuwento ni AiAi sa tanong ni Jiro nang bigla siyang makita sa center.
 
"Akala niya uuwi na siya. Sabi ko, 'anak konting-konti na lang. Tulungan mo sarili mo para makalabas na tayo rito," dagdag ng Kapuso concert comedy queen.
Sinabi pa ni AiAi na nakikipagtulungan naman daw si Jiro, alinsunod na rin sa naging pahayag sa kaniya ng mga nurse sa center.
 
Pero maliban sa pagpapagamot kay Jiro para sa rehabilitasyon ng dating aktor, sinabi ni AiAi na dadalhin niya ito sa Japan para makita ang tunay na ama.
 
Matatandaan na sinabi ng adoptive father ni Jiro na posibleng isa sa mga dahilan ng pagiging mainitin ng ulo ng anak ay ang hindi pagkakatuloy ng pangako ng lola nitong Hapon na dadalhin siya sa Japan para makita ang tunay na ama.
 
Ayon kay AiAi, "Kasi 'di ba adopted din ako. So dati 'di ko pa alam yung nanay ko, kung sino tatay ko nung maliit ako, hindi nanawawala yung feeling na hindi ko maintindihan na ba't hanap ako nang hanap ng kung ano-ano."
 
Dagdag niya, "Natapos na yung emosyong kong ganun and I think 'yon yung gusto kong maintindihan ni Jiro kaya dadalhin ko siya sa Japan."
 
Muli namang pinasalamatan ni AiAi ang lahat ng mga tumutulong sa kaniya para tulungan si Jiro, at maging ang kaniyang mga followers sa Instagram account na nagpapadala ng mga positibong mensahe para sa kanila ni Jiro.
Share on Google Plus
    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment